-- Advertisements --

Ikinasal na ang anak ng pinakamayamang tao sa Asya na si Anant Ambani sa pharmaceutical heiress Radhika Merchan.

Ilang libong mga bisita ang dumalo sa tinaguriang magarbong kasal sa India.

Kinabiiblangan ito nina Bollywood star Rajinikanth at Sanjay Dutt, dating Indian president Ram Nath Kovind, mga sikat na atleta at opisyal ng India.

Isinara ng mga kapulisan ang kalsada malapit sa 16,000 capacity na Jio World Convention Center ilang oras bago ang nasabing kasal.

Bago ang araw ng kasal nitong Biyernes ay nagsagawa ng pitong buwan na pre-wedding celebrations na inimbitahan para magtanghal sina Kim at Khloe Kardashians, Nick Jonas, Priyanka Chopra at ilang mga celebrities.

Si Anant ay anak ni Mukesh na may-ari ng Reliance industries kung saan tinatayang mayroong yaman sila na aabot sa $122 bilyon base sa pagtaya ng Forbes.