Usap usapan pa rin sa Thailand ang pagpapakasal ng kanilang hari sa kanyang dating bodyguard na babae na kanyang ginawang heneral noon at ngayon ay isa ng reyna.
Ang sorpresang anunsiyo ay makaraang maglabas ng royal statement bago isagawa ang coronation ceremonies sa Sabado sa bagong hari.
Makikita sa video na binubuhusan ng sacred water ang ulo ni Queen Suthida, 40.
Si King Maha Vajiralongkorn, 66, ay naging constitutional monarch makaraan ang pagkamatay noong 2016 ng kanyang ama na minahal ng mamamayan ng Thailand.
Si King Maha ay dati na ring may asawa at tatlong beses na nagdiborsyo at merong pitong mga anak.
Ang kanya namang inasawa ngayon ay dating deputy head ng kanyang personal security.
Noong taong 2014 itinalaga ni Vajiralongkorn si Suthida Tidjai, na isang dating flight attendant ng Thai Airways, bilang deputy commander ng kanyang bodyguard unit.
Ginawa siyang full general noong December 2016.
Ang dating hari na si King Bhumibol Adulyadej ay inabot ng 70 taon sa kanyang panunungkulan kaya ito ay tinaguriang “longest-reigning monarch in the world” bago pumanaw noong 2016.
“King Vajiralongkorn “has decided to promote General Suthida Vajiralongkorn Na Ayudhya, his royal consort, to become Queen Suthida and she will hold royal title and status as part of the royal family,” bahagi pa ng royal statement kung saan nakapaloob din ang deklarasyon na “legal and according to tradition†ang nangyaring pag-iisang dibdib.