-- Advertisements --

Nagpasya ang actress na si Andi Eigenmann na kanselahin ngayong taon ang kasala nila ng partner na si Philmar Alipayo.

Ito ay kasunod ng pagpanaw ng beteranang actress na ina ni Andi na si Jacklyn Jose noong Marso.

Dagdag pa ng actress na iaalay sana nila ang kasal sa ina subalit nagpasya sila na kanselahin muna ito ngayong taon.

Nagkasama ang dalawa mula pa noong Disyembre 2020 kung saan mayroon na silang dalawang anak habang ang actress ay mayroong anak na babae na si Ellie mula sa dating nobyo na si Jake Ejercito.