Hindi akalain ni Rocco Nacino na mairaraos ang extra special day nila ng napang-asawang volleyball player.
Pahayag ito ng 33-year-old actor, isang araw matapos ang kumpirmadong pag-iisang dibdib nila ni Melissa Gohing sa kabila ng pagbabadya ng ulan.
Kuwento ni Rocco, pinayagan siya ng Philippine Navy upang ipahiram ang BRP Davao del Sur LD602 Battleship kung saan idinaos ng simple pero eleganteng seremonya.
“Nairaos po… The Philippine Navy was kind enough to lend us the BRP Davao del Sur LD602 Battleship to hold our wedding. Kinaya po! Pinaka-stress was the weather! It was raining hard on the 20th. 90% chance of rain and thunderstorms kasi ang nakalagay sa weather forecast. So matinding prayers talaga. God was good! Pinagbigyan kami!” saad ni Nacino sa panayam ng pep.
Plano pa rin naman daw nila ng misis na magkaroon ng Christian wedding/renewal of vows sa mga susunod na taon.
Nobyembre ng nakaraang taon nang ginawaran na ng ranggong Petty Officer 3rd Class sa Philippine Navy reserve ang dating boyfriend ng aktres na si Lovi Poe.