-- Advertisements --

Nagdesisyon sina Angel Locsin at nobyong si Neil Arce na ipagpaliban na lamang ang kanilang kasal ngayong taon.

Nakatakda kasing mag-isang dibdib ang dalawa sa Nobyembre subalit dahi sa coronavirus pandemic ay ipagpapaliban na lamang ito sa 2021.

Ayon sa dalawa na depende rin sa sitwasyon ng pandemya sa susunod na taon.

Magiging simple lamang ang handaan at nais lamang nilang makasama ang lahat ng mga malalapit na kaibigan at kaanak sa kasal.