-- Advertisements --
Ipinagpaliban nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang kasal dahil sa banta ng coronavirus.
Itinakda sana ito sa Marso 14 sa isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig subalit dahil sa panganib ng COVID-19 ay minabuti nilang ipagpaliban ito.
Sa Instagram account ng 36-anyos na actor, sinabi nito na kahit anumang ang kanilang kagustuhan na ituloy ang kasal ay napagpasyahan na lamang nila na ipagpaliban ito.
Pinasalamatan na rin nito ang mga taong nasa likod na tumulong sa paghahanda sa kanilang kasal.
Magugunitang ilan sa mga napiling ninong sa kanilang kasal ay si Pangulong Rodrigo Duterte, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at maraming iba pa.