-- Advertisements --

Inanunsiyo ng celebrity couples na sina Shaira Diaza at EA Guzman ang detalye ng kanilang kasal.

Ayon sa dalawa na abala na sila sa paghahanda para sa kasal nila na gaganapin sa buwan ng Agosto sa Cavite.

Nakatakda ring ipagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-12 anibersaryo sa mga susunod na buwan.

Magugunitang taong 2021 ng inalok ng actor ang nobya ng kasal.