-- Advertisements --
wedding4

Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Taguig na nasusunod pa rin ang health protocol sa isinagawang mass wedding.


Nasa 30 pares ang sama-samang ikinasal sa ilalim ng New Normal wedding setup.
Isinagawa ang mass wedding nuong February 26,2021 sa may Mercado del Lago sa Barangay Lower Bicutan.

Ang Kasalang Bayan ay bahagi ng taunang aktibidad ng pamahalaang lokal ng Taguig partikular ng kanilang Office of the Civil Registry mula pa nuong pre-pandemic.

Pero dahil nasa Covid-19 pandemic pa rin ang bansa, iniyahag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na mahigpit nilang ipinatupad ang minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng facemask, face shiled at pagpapanatili ng social distancing ng bawat pares.

wedding

Paliwanag ni Cayetano, layon ng isinagawa nilang mass wedding na maipaunawa sa lahat ng mga residente ng Taguig ang kahalagahang maging ligtas sa gitna ng pandemya.

” The Kasalang Bayan is one of the happiest events which we await yearly, but it was cancelled several times because of the pandemic,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Aniya ngayong may mga makabagong pamamaraan sa ilalim ng new normal, walang dahilan para hindi ituloy ang Kasalang Bayan.

wedding6 1

Dagda pa ng alkalde,” This is a great template for weddings in the new normal, so this event is not only romantic but also historic. It is only further proof that we can go about life in Taguig.”

Bawat pares kasi ay nagkaroon ng solemn ceremony kabilang dito ang wine and cake rituals.

Mismong si Cayetano ang nag officiate sa Kasalang Bayan.

” I am so happy that we can come together and celebrate a woundrous and inspiring occasion. I hope people see the deeper message in this occasion: There is a safe way to shop, dine out, do business, gather and more. Welcome to the new normal.” pahayag ni Mayor Cayetano.