-- Advertisements --

Naninindigan ang World Health Organization (WHO) na kayang maprotektahan ng mga existing na COVID-19 vaccines ang mga dinapuan ng Omicron variant mula sa malubhang kaso ng virus.

Ginawa ng WHO ang naturang paglilinaw kasunod ng lumabas na resulta ng unang laboratory tests sa bagong variant na ginawa sa South Africa na nakitang bahagyang nalalabanan nito ang Pfizer vaccine.

Ayon sa pag-aaral ng South African researchers, natuklasan na ang 40 times na mas mababa ang kayang maneutralised na antibodies ng Pfizer vaccine laban sa bagong strain ng COVID-19 kung ikukumpara sa original na virus.

Paliwanag naman ni Dr. Mike Ryan, ang WHO’s emergencies director, napatunayan na aniyang epektibo ang mga bakuna laban sa anumang variants mula sa severe diseases at hospitalization at wala aniyang dahilan para hindi ito maging epektibo laban sa Omicron variant.

Base din aniya sa inisyal na datos, hindi malala ang naging sakit ng mga dinapuan ng Omicron kumpara sa Delta variant at iba pang strain.