-- Advertisements --

Tumaas ang presyon ng tatlo sa kasamahan ni Pastor Apollo Quiboloy nang maaresto ang mga ito ayon yan kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo.

Ito ay matapos umano sumailalim si Quiboloy at sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada at Sylvia Cemanes sa booking process kabilang na ang fingerprint, mugshot, physical at medical examination.

Bagamat hindi na nabanggit pa ng PNP kung sino sa mga kasamahan ng pastor, agad naman na umano itong nabigyan ng gamot at naging stable din ang kalagayan.

Kasalukuyan nang nagpapahinga ang lima sa custodial center ng PNP sa kampo krame. Nabasahan na rin naman daw ito ng mga kasong nakasampa sa kanila, mahaharap si Quiboloy sa kasong child abuse, sexual abuse at qualified trafficking sa harap ng kanilang abogado. Pagkatapos ay binasahan na rin sila kanilang miranda rights at mga karapatan.