-- Advertisements --

Naaresto ng mga kapulisan ang isa sa tatlong kasamang akusado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Pauline C. Canada.

Nitong gabi ng Huwebes ay kinumpirma ng mga kapulisan ang pagkakaaresto kay Canada.

Si Canada ay kasamang nahaharap sa kasong Qualified Human Trafficking at Child Abuse.

Magugunitang may nakalaan na pabuya sa ulo ni Canada na aabot sa isang milyong piso.