TACLOBAN CITY – Nasa kustodiya na ng kapulisan ang isang house helper na sumaksak-patay sa kanyang among babae sa Tacloban.
Kinilala ang biktima na si Retchelyn Ganade, nasa hustong gulang.
Ang suspek naman ay nagngangalang Ronnie Dela Cruz, residente ng Babatngon, Leyte at nagtratrabaho sa pamilya ng biktima.
Ayon kay P/Lt. Concas Castillo, Deputy Station Commander ng Abucay Station 2/ Kawayan Police Community Precint, nakita na lamang ng ina ng biktima na wala na itong malay habang nakahiga sa kanilang sala at nagtamo ng tatlong saksak sa katawan.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, doon na inamin ng suspek na pinagsasaksak niya ang biktima dahil sa sobrang galit.
Nabatid na pitong taon na bilang kasamabahay ang suspek sa pamilya at matagal na itong nanliligaw sa kanilang anak.
Kasong murder ang kakaharapin ng suspek.