BOMBO DAGUPAN – Makakasiguro ng kasapatan ng tubig dito sa lungsod ng Dagupan ngayong mainit na panahon.
Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng PAMANA Water District Dagupan City, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, nananatiling maganda ang volume ng tubig sa lungsod dahil sa ilalim nangagaling ang tubig ng PAMANA kumpara sa iba na dam ang pinanggagalingan.
Sinabi niya na na mas malalim pa ng 9 meters below water table ang pump at motor ng mga pumping station sa ciudad.
Sa kanilang pinakahuling monitoring ay may pagbaba ng humigit kumulang 1-meter ang water level pero walang dapat ipag aalala dahil kung bumaba man ang water level ng kahit isang meter ay nakakatiyak pa rin ng sagana sa suplay ng tubig ang ciudad.
Samantala, wala pang rate increase sa ciudad pero asahan umanong lalaki ang bill o bayarin sa tubig dahil sa sobrang paggamit ng tubig ngayon.