KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang kasapi ng media na tumatakbong konsehal matapos na maging biktima ng pamamaril sa lungsod ng Tacurong.
Kinilala ng Tacurong PNP ang biktima na si Jeynard Angeles, nasa legal na edad at residente ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Ayon kay Police Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP, riding in tandem ang suspek sa pagpatay kay Angeles.
Si Angeles ay tumatayong Station Manager ng 88.3 Radyo ni Juan na nakabase sa Tacurong City.
Nakilala din ang biktima sa kanyang programang Tinig ng Bayan bilang komentarista.
Napag-alaman na nagfile din ito ng kanyang kandidatura sa pagka-konsehan ng baya ng Lambayong.
Sa ngayon, inaalam pa ng ga otoridad ang motibo sa pamamaril ngunit hindi inaaalis ang anggulo may kaugnayan sa kanyang trabaho at pulitika.