-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Alison Guialani,37 anyos,may asawa,myembro umano ng Moro National Liberation Front (MNLF) at residente ng Barangay Mudseng Midsayap North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Midsayap PNP na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa kanyang tahanan patungong town proper ngunit pagsapit nito sa Cotabato-Makar highway sa Brgy Central Glad Midsayap Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Guilani ngunit nagawa pa nitong makalayo sa mga suspek.

Pero hindi pa rin siya tinantanan ng mga ito,sinundan at muling pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nakabulagta sa gilid ng national highway ang biktima nang datnan ng mga pulis at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Rido o personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.