-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nahaharap sa ibat-ibang kaso ang isang myembro ng New Peoples Army (NPA) na nahuli ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Elizaberto Jaictin alyas Donker,43 anyos,may asawa at residente ng Sitio San Roque Barangay Amabel Magpet Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Magpet PNP at Davao Del Sur ang suspek sa kanyang tahanan.
Narekober sa posisyon ni Jaictin ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala at magasin.
Ang suspek ay tauhan ng Guerilla Front 53 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Magpet PNP at nakatakdang i-presenta sa korte