-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang kasapi ng Philippine Army Reserve Command matapos binaril ng chief tanod sa Barangay Poblacion Ilaya, San Enrique, Iloilo.

Ang biktima ay si Lino Palomar, 29, residente ng Barangay Arac, Passi City.

Ang suspek naman ay si Rio Calanao, 41, chief tanod ng Barangay Poblacion Ilawod, San Enrique, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Johnny Oro, hepe ng San Enrique Municipal Police Station, sinabi nito na nangyari ang insidente kasabay ng fiesta sa nasabing bayan.

Ayon kay Oro, nagpapatunog ng mini box ang biktima ay sumasayaw sa gilid ng kalsada.

Nang dumaan ang suspek sakay ng motorsiklo, sinita nito ang biktima hanggang sa nagkasagutan ang mga ito.

Dito at binaril ng suspek ang ang biktima sa ulo.

Tumakas naman ang chief tanod matapos ang krimen dala ang hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Sa ngayon, patuloy pa na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek.