-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawin ng buhay ang isang sundalo sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Staff Sergeant Rodolfo Magno,kasapi ng Philippine Marines at residente ng Estrella Street Barangay Poblacion 3, Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Police Station 1 Commander P/Major John Vincent Bravo, nasa loob lang ng kanyang nakaparadang Toyota Vios ang biktima na nag-aantay sa kanyang misis habang namimili sa isang tindahan sa Moreno Drive,Dap-dap Barangay Rosary Heights 2 ng lungsod.

Big la na lamang itong nilapitan ng dalawang hindi kilala suspek at kinatok ang bintana kanyang kotse sabay pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na sakay ng motorsiklo.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis SSgt Magno sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay ng magtamo ng tama ng bala sa ulo at balikat.

Bago binaril patay ang biktima ay kagagaling lang nito sa Misa de gallo kasama ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima.