-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang bagong silang na sanggol ang iniwan sa gilid ng kalsada sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang nakadiskubre sa sanggol na iniwan ng kanyang ina sa ASF outpost ng Purok 7, Barangay La Esperanza, Tulunan, Cotabato.

Ayon kay La Esperanza Barangay Chairman Erwin Angulo, napansin na lamang ng BPAT member ang baby boy na binalot ng lampin at nanlalamig.

Nag-iwan din ng lampin at gatas sa tabi nito ang ina ng sanggol.

Ang sanggol ay agad dinala sa birthing clinic at nasa ligtas ng kalagayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tulunan PNP para matukoy ang ina ng sanggol.