Pinabubuksan muli ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ni dating Senator Leila De Lima kaugnay sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng ilegal na droga.
Ito ay alinsunod sa kagustuhan ng ahensya na magpresenta ng mga bagong testigo laban sa dating senadora.
Batay sa inihaing mosyon Justice Department ay hiniling ng prosecution sa Korte na muling buksan ang trial ng naturang kaso para sa panibagong paglalahad ng rebuttal evidence ukol dito.
Sa bukod naman na pahayag ng legal team ni De Lim ay sinabi nito na nagulat sila nang matanggap nila ang kopya ng naturang mosyon para iharap aniya ang isang Atty. Demiteer Huerta na mula sa Public Attorney’s Office na tatayo naman bilang rebuttal witness sa nasabing kaso.
Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, ang legal counsel ni De Lima, dahil dito ay maghahain sila ng oposisyon laban sa naturang mosyon.
Kung maaalala, una nang idineklara ng korte na submitted for decision na ang kaso ni De Lima at sa Mayo 12 na ang itinakdang promulgation sa nasabing kaso.
Ngunit depensa naman ng DOJ, ang bagong hakbang na ito ay hindi intensyong iantala ang pagdinig sa mga drug cases ni De Lima.