-- Advertisements --
Handang iatras ng mga deboto ng Itim na Nazareno na Hijos Del Nazareno Central ang kanilang reklamo laban sa drag queen na si Pura Luka Vega kapag ito ay personal na humingi ng tawad sa Itim na Nazareno at sa harap.
Sinabi ni Alex Irasga ang technical adviser ng Hijos del Nazareno Central na tao lamang din sila at handang magpatawad kung buong puso na lalapit sa kanila ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente o kilala si Pura Luka Vega.
Una ng sinampahan ng grupo sa Manila Prosecutors Office ang drag queen ng paglabag dahil sa paglapastagan sa Itim na Nazareon sa isa niyang performance sa bar.
Magugunitang maraming mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara sa nasabing drag queen ng persona non grata dahil sa ginawa nito.