-- Advertisements --

Ibinasura ng Makati prosecutors office ang kasong slight physical injury laban sa actor na si Tony Labursca.

Nagmula ang reklamo sa naging alitan ng actor at ang nagrereklamong si Dennis Ibay Jr sa isang party sa bahay nila noong Enero.

Paliwanag ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Sena na dahil sa teknikalidad ay kaya nila ibinasura ang kaso na nangyari noong Enero 16, 2021.

Naisampa lamang kasi ang kaso noong Hunyo 4.

Ikinatuwa naman ng kampo ng actor ang pagbasura ng reklamo kung saan ayon sa abogado nitong si Atty. Joji Alonso na naniniwala pa rin sila na inosente ang actor.