-- Advertisements --

Inanunsyo ng Malakanyang na dinismiss na ng Quatar government ang kaso laban sa 17 Filipino OFWs na nahuli dahil sa kasong illegal assembly.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro nakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Qatari Ambassador Ahmed bin Saad Al-Homidi kaninang umaga.

Ibinahagi ni Al-Homidi na dinismiss na ng Qatari authorities ang reklamo laban sa 17 OFW na hinuli noong March 27 dahil daw sa unauthorized demonstration.

Ayon kay Castro, sinabi raw ni Al-Homidi reflection daw ito ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Noong nakaraang linggo, una nang iniulat ni Department of Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac na nabigyan ng Qatari authorities ng provisional release ang mga OFW.

Ang pagkilos ng DMW ay alinsunod na rin sa utos sa kanila ni Pangulong Marcos na tulungang makalaya ang mga OFW.