Ibinasura ng korte ang kasong involuntary manslaughter laban sa actor na si Alec Baldwin.
Ang kaso ay may kaugnayan sa aksidenteng pamamaril ng actor habang nasa shooting ng pelikulang “Rust” noong Oktubre 21, 2021 na ikinasawi ni cinematographer Halyna Hutchins sa New Mexico.
Ayon sa desisyon Judge Mary Marlowe Sommer na hindi maayos na naipasakamay ng prosecution ang mga ebidensiya sa depensa.
Ang desisyon na ito ay base na rin sa inihain na motion ng abogado ng actor na dapat ibasura na ang kaso at kinokontra ang state investigation sa hindi tamang pag-turnover ng mga ebidensiya.
Napaluha ang actor matapos na basahin ng judge ang desisyon at agad naman nitong niyakap ang asawang si Hillaria.
Una ng hinatulan ng 18 buwan na pagkakakulong noong Marso ang armorer ng pelikula na si Hannah Gutierrez Reed.