Ikinalungkot ni Senator Manny pacquiao ang naging hakbang ng kanyang kaalyado na kompanua na paradigm sports na kinasuhan siya sa California dahil daw sa breach of contract.
Liban sa naturang kaso, kinukwestyon din sa korte na hindi matuloy ang laban ng Pinoy ring icon sa American undefeated champion na si Errol Spence.
Ayon kay Pacman, ang ikinaso sa kanya ay walang merito at layon lamang nito na sirain ang kanyang konsentrasyon sa paghahanda sa kanyang makasaysayang laban.
Binigyang diin pa ng fighting senator na batay sa kanyang kontrata sa Paradign Sports meron daw siyang karapatan na pumasok din sa agreement at labanan si Spence.
Tiniyak naman ng eight division world champion sa kanyang mga fans, na walang dapat ikabahala at hindi ito makakaapekto sa kanyang laban.
Inaasikaso na rin daw ng kanyang mga abogado ang naturang kaso at mapapatunayan nila sa korte na tama siya.
Samantala, nagpapatuloy na rin ngayon ang pagbebenta ng tickets ng Pacquiao versus Spence sa Las Vegas para sa August 21 showdown ng pambansang kamao.