Inihahanda na ng Manila Police District ang kaso laban sa nasa 20 LGBTQ members na inaresto dahil umano sa pagsasagawa ng kilos protesta kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month.
Ayon kay MPD’s General Assignment and Investigation Section chief, Police Captain Arnold Echalar, ilan sa mga kaso na kakaharapin ng mga ito ay ang illegal assembly, conduct of mass gathering despite the quarantine, and disobedience to a person in authority.
Dagdag pa nito na may isang protester ang nag-spray ng hindi malamang substance sa isang pulis nila kaya ito ang nag-udyok sa kanila ng pag-aresto sa kanila.
Kinondina naman ng iba’t-ibang grupo gaya ng Anakbayan, Commission on Human Rights (CHR) Gender Equality and Women’s Human Rights Center ang nasabing insidente.
Tiniyak naman ng CHR na kanilang iimbestigahan ang nasabing pangyayari kung saan nagtalaga na sila ng quick response team para imbestigahan ang insidente.