-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang kasong isinampa laban kay US two-time Olympic gold medalist swimmer Klete Keller.

May kaugnayan ito sa pagsali niya sa naganap na riot sa US Capitol noong Enero 6.

Ang 6 ft. 6 in na swimmer ay nakilala sa larawan ng rito dahil nakasuot pa ito ng Team USA jacket.

Unang sinampahan ang 38-anyos Olympic champion ng kasong knowingly entering a restricted building, disorderly conduct in Capitol building at impeding law enforcement.

Nakita rin ng US District Court sa Washington na kasama ni Keller ang mga supporters ni Trump kaya dinagdag nila ang kasong civil disorder at obstruction of an official proceeding.

Sakaling mapatunayang guilty ay posibleng makulong ito ng hanggang 30 taon.

Naging susi si Keller sa US swimming team na makakuha ng gold medal sa 2×400 freestyle relay noong 2004 at 2008 Olympic Games.