DAVAO CITY – Tuluyan ng ibinasura ng korte ang kasong isinampa laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Nabatid na ang mga prosecutors nitong lungsod sa pangunguna ni City Prosecutor Nestor Ledesma at iba pang tatlong mga Senior Assistant City prosecutors ang nagpalabas ng joint resolution na nagbasura sa limang kaso ng rape, child abuse sa ilalim ng republic act no.7610, physical abuse, trafficking in persons through forced labor, trafficking in persons through sexual abuse na una ng isinampa ng isang Blenda Portugal sa nakaraang Disyembre 19, 2019 laban kay Pastor Apollo Quiboloy, Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada and Sylvia Cemanes.
Una ng sinabi ni Atty. Israelito Torreon, chief counsel ni Pastor Quiboloy na noon pang Hunyo 29 nailabas ang desisyon ng korte ngunit kahapon lamang na-release ang kopya ng resolusyon.
Ibinasura umano ang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya at wala umano itong sapat na basehan.