GENERAL SANTOS CITY – Nanaig ang katotohanan at ipinaglalaban ng Bomboradyo Philippines noon laban sa Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA) at sa founder nito na si Joel A. Apolinario.
Ito’y kasunod ng inilabas na kautosan ni Acting Presiding Judge Fatima San Pedro-Eugenio ng Regional Trial Court 11th Judicial Region Branch 35 ng General Santos City na permanently pag-dismissed ng kaso laban kay Bomboradyo Gensan Station Manager Bombo Janjan Macailing at Bombo Boi Galano.
Matatandaang ang dalawa ay sinampahan ng kampo ni Apolinario ng Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons kasunod ng kanilang pagkakahuli sa entrapment ng National Bureau of Investigation(NBI) dahil umano sa pangingikil.
Mula kasi ng inilabas noong June 7, 2022 ang ‘provisionally dismmised order’ mula sa korte ay hanggang ngayon hindi lumitaw ang private complainant upang i-revive ang kaso.
Taos-pusong nagpapasalamat si Bombo Janjan sa una sa Maykapal, musunod sa Chairman ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio Florete, Margaret Ruth C. Florete (President and CEO) ng network, sa mga tumulong na abogado, at lahat ng supporters na patuloy na naniwala at hindi bumitiw sa laban ng network laban sa KAPA.
Matatandaang noong July 21, 2020 nang maaresto sa joint operation ng pulisya si Apolinario na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code (SRC), sa Hamdayaman, Lingig, Surigao del Sur.
Napag-alaman na hinihimok ng KAPA ang publiko na mag-donate ng P10,000 kapalit ng 30 percent monthly blessing o love gift for life.
Hindi lamang sa ibang lugar nagkaroon ng operasyon ang KAPA kundi maging sa Gensan at Alabel Sarangani Province kung saan milyon-milyong peso na halaga ng salapi ang nakolekta ng naturang investment group.