-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kasabay ng pagtaas ng Kawasaki disease at Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 cases ay tumaas din ang kaso ng mga krimen sa US matapos pakawalan ang mga preso.

Layunin sana nito na hindi mahawaan ng COVID-19 na talamak na rin sa mga kulungan.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Winston Sario sa US, hindi na alam ng mga tao kung ano ang uunahin- ang bantayan ba ng kalagayan ng mga bata upang malayo sa Kawasaki disease, o ang tutukan ang kalusugan at seguridad ng pamilya laban sa COVID-19, o pagiging mapagmatyag laban sa mga kriminal.

Dagdag pa ni Sario na wala aniyang ginagawang tracing o proseso ng pagbabantay sa mga pinakawalang preso kaya inaasahang dadami pa ang mga serye ng nakawan at iba pang krimen.