-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandibayan Fourth Division ang kaso laban sa mga tinawag na “euro-generals” na sina dating PNP comptroller MGen. Eliseo de la Paz at dating director for plans Lt. General Romeo Ricardo.

May kaugnayan ito sa paglabag sa Article 237 ng Revised Penal Code o ang pro longing of performances of duties in powers.

Bumiyahe kasi sa St. Peterburg , Russia si La Paz sa 77th Interpol General Assembly mula Oktubre 7-11, 2008 kahit na naabot na nito ang retirement age ng 56 noong Oct. 9, 2008.

Inakusahan si Ricardo dahil siya ang nagrekomenda para sa pagbiyahe ni de la Paz.

Walang nakita ang prosecutor para sa kanilang kanilang kaso kaya ito naibasura.

Ang 11-pahinang desisyon ay pirmado ni Associate Justice Bayani Jacinto at nina Sandiganbayan Fourth Division Chairman at Associate Justice Alex Quiroz at Associate Justice Reynaldo Cruz.

Magugunitang noong nakaraang Oktubre 2019 ay ibinasura na rin ng Sandiganbayan Second Division ang graft cases nina dela Paz ,Ricardo at pitong ibang mga heneral dahil sa paggamit ng P10-million intelligence fund bilang contingency fund at travel allowance sa interpol assembly.