Kinumpirma ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na tapos na ang imbestigasyon sa kaso ng dalawa sa tatlong heneral na iniimbestigahan kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa na naisumite na ng National Police Commission (Napolcom) sa Malacañang ang kanilang resolusyon para sa dalawang heneral para irebyu ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Dela Rosa na si Pangulong Duterte na ang magbibigay ng kaniyang final decision ukol sa dalawang heneral.
Paliwanag ni Dela Rosa na dahilan kung bakit isinumite sa Palasyo ang kanilang ibinabang resolusyon ito ay dahil sa mga third level officers ang mga ito dahil ang tanging makakatanggal sa kanila sa serbisyo ay ang punong ehekutibo.
Giit ni Dela Rosa na ang desisyon ng Napolcom ay recommendatory in nature.
Tumanggi namang mag komento ni PNP chief kung ano ang rekumendasyon ng NAPOLCOM para kina Police Director Joel Pagdilao at PCSupt. Edgardo Tinio.
“Papunta na kay presidente, mga third level officers sila kaya ang power to hire and fire is vested upon by the chief executive,” wika ni Dela Rosa.