-- Advertisements --

VIGAN CITY – Mariing pinabulaanan ng Department of Health – Ilocos Sur ang kumakalat na balita sa internet na mayroon na umanong kaso ng 2019 novel corona virus – acute respiratory disease sa lalawigan.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, hindi umano totoo ang mga balitang kumalat na nagpositibo sa nasabing sakit ang Chinese national na may-ari ng isang business establishment sa lungsod ng Vigan at naka-admit pa ito sa isang pribadong ospital sa Ilocos Sur.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng DOH- Ilocos Sur ang mga dapat gawin upang maiwasan ang nasabing virus.

Maliban pa rito, hiniling din ng mga opisyal ng nasabing ahensya na kung maaari ay iwasan na ang pagpapakalat ng fake news upang hindi mag-panic ang karamihan at magkaroon ng coronavirus scare sa lalawigan kahit hindi naman totoo.