-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Inaasahang maira-raffle ngayong Huwebes ang kasong rape na isinampa ng kampo ng model stylist na si Deniece Cornejo laban sa actor/host na si Vhong Navarro.

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Axel Gonzales, isang kilalang abogado sa Aklan at isa rin sa mga legal counsel ni Cornejo sinabi nito na oras na magkaroon ng hukom na hahawak sa kaso sa Taguig City Prosecutor’s Office at makitang may probable cause ay maaring magpalabas ng warrant of arrest laban sa actor.

Anumang oras aniya ay posibleng arestuhin si Navarro dahil sa sinasabing panggagahasa kay Cornejo noong 2014.

Aniya, nais ng pamilya ni Deniece na makita rin sa kulungan si Navarro.

Noong 2014 umano ay nakulong si Cedric Lee, Cornejo at iba pang kasama dahil sa serious illegal detention at grave coercion dahil sa pambubugbog kay Vhong sa kabila ng paghain ng mga ito ng motion for reconsideration.

Nauna dito, nanindigan si Navarro na wala siyang kasalanan at hindi niya ginahasa si Deniece.

Naghain na rin ng motion for reconsideration sa Court of Appeals ang mga abogado ng aktor kaugnay sa kinakaharap na kaso.