-- Advertisements --

Inamin ng mga health officials ng England ang pagtaas ng kaso ng bagong variant ng COVID-19.

Pumalo na kasi sa 53,135 ang naitalang bagong kaso na mayroong 414 ang nasawi.

Nahaharap aniya sila ngayon sa panibagong pressures lalo na ang National Health Services ng UK.

Karamihang mga pasyente sa England at sa Wales ay ginagamot ang mas maraming COVID-19 patients kumpara ng unang tumama ito noong Abril.

Ayon kay Dr. Susan Hopkins ang senior medical adviser, patuloy ang nakikita nilang pagtaas ng COVID-19 infections sa buong UK.