Nakitaan din ng pagtaas ng kasong Chikungunya sa bansa sanhi ng kagat ng lamok kumpara sa nakalipas na taon.
Pero paliwanag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Ma Rosario Vergeire na nakikitang factor sa mababang naitalang kaso ng viral disease noong nakalipas na taon ay dahil sa nakapokus ang ating surveillance system sa mga kaso ng covid-19 kung saan nakakapagtala ang bansa ng mataas na bilang.
Ayon kay Vergeire ilan sa sintomas ng sakit na ito ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, mga pantal at ang naiibang feature nito kumpara sa ibang sakit madalas ay ang pananakit ng kasu-kasuan.
Sinabi pa ng DOH official na kahit anong edad maging ang adults ay maaaring dapuan ng naturang sakit.
Payo naman ng DOH upang maiwasan ang naturang sakit ay linisin ang kapaligiran , itapon ang mga tubig na stagnan sa ating bakuran at protektahan ang ating sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahahabang damit upang hindi makagat ng lamok at magpatingin sa doktor kapag nagkasakit upang ito ay maagapan.