-- Advertisements --

Patuloy ang pagpalo ng kaso ng Chikungunya sa bansa ayon sa Department of Health. Ito ay isang uri ng viral disease na dala ng lamok tulad ng dengue.

Ayon sa DOH, mula sa limandaan at siyamnapu’t tatlo na kaso noong nakaraang taon, nasa halos 2,889 ang kaso ng Chikungunya sa Pilipinas.

Tatlong daan walongpu’t dalawang porsyento na ang itinaas ng kaso mula noong January 1 hanggang December 2 ng kasalukuyang taon.

Lumalabas sa mga datos na 15 bagong kaso ang naidagdag sa loob lamang sa isang linggo noong November 26 hanggang December 2.

Pinakamarami ang natamaan ng naturang sakit ay sa Cordillera Administrative Region o CAR nasa 1,146. Pero ayon sa tanggapan wala pa namang napapaulat na namatay dahil sa sakit sa nakalipas na dalawang taon.