Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang mga kaso ng chikungunya sa bansa ay higit sa triple sa nakalipas na 10 buwan kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa pinakahuling monitoring, sinabi ng DOH na 2,691 kaso na ang naiulat mula Enero 1 hanggang Oktubre 28.
Ang nasabing bilang ay 384 porsyento na mas mataas kumpara sa 552 na iniulat sa parehong panahon noong 2022.
Naitala ng Cordillera Administrative Region ang pinakamataas na pagtaas ng kaso na may 1,109; Ilocos, 448, at Cagayan Valley, 338.
Naitala rin ng Cordillera ang pinakamataas na pagtaas ng kaso sa 32,567 porsiyento o mula tatlo hanggang 1,109 na kaso; Cagayan Valley, 16,800 percent, mula dalawa hanggang 338, at Mimaropa, 3,056 percent, mula siyam hanggang 284.
Kaugnay niyan, ang datos mula sa Epidemiology Bureau ng DOH ay nagpakita ng zero chikungunya-related deaths sa nakalipas na dalawang taon.
Una nang sinabi ng World Health Organization na ang chikungunya virus ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng isang infected na lamok.
Nagdudulot ito ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan habang ang mga malubhang kaso naman at maaaring humantong sa pagkasawi.