-- Advertisements --
Lumobo sa 200 percent ang naitalang kaso ng chikungunya sa bansa ngayong Enero lang ng taong 2023.
Ang Chikungunya virus ay naikakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok na infected nito.
Sa datos ng Department of Health (DoH), mula Enero 1 hanggang 28 ngayong 2023, nakapagtala ng siyam na kaso ng chikungunya na mas mataas sa tatlong kaso lamang sa parehong panahon noong 2022.
Wala namang naitalang nasawi dahil sa sakit.
Ayon sa Department of Health, naitala ang anim na kaso sa Davao Region, dalawa sa Northern Mindanao at isa sa Caraga.
Karaniwang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, pananakit ng ulo at kalamnan at rashes.