Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabawasan ng 30 porsiyento ang child labor practices sa bansa ngayong taon.
Sinabi ng ahensiya na bahagi ito ng kampanya ng pambansang pamahalaan na puksain ang child labor sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto.
Nakatuon ang workshop sa pag-represent sa apat na karapatan ng mga bata – Survival, Development, Protection, at Participation.
Ang mga kalahok ay inatasan din na tukuyin ang pangmatagalang mga layunin upang pigilan ang mga bata na makisali sa labor market.
Kung maalala, hinimok ni Labor Secretary Buenvenido Laguesma ang mga labor officials sa buong bansa na unahin ang pag-aalis ng child labor sa Pilipinas.
Inihain din ni Laguesma ang pagtiyak sa House of Representatives (HOR) ang mga nakahanay na programa sa paglaban sa child labor sa bansa, na kinabibilangan ng pagpapatupad ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL) na naglalayong baguhin ang buhay ng mga child laborers, kanilang pamilya at komunidad sa pamamagitan ng proteksyon, withdrawal, muling pagsasama sa isang lipunang nagmamalasakit, at mga hakbang sa pagbabawas ng kahirapan.