Halos dumoble ngayon ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) kumpara sa naitalang kaso kahapon.
Sa data ng Department of Health (DoH) mula sa 889 na kaso kahapon ay naging 1,623 ito ngayong araw.
Samantala ay mayroon namang naitalang 256 na gumaling at 133 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4 percent (11,772) ang aktibong kaso, 97.8 percent (2,778,115) na ang gumaling, at 1.81 percent (51,373) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 28, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng limang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.1 percent sa lahat ng samples na naitest.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing at maghugas ng kamay.
Agad ding magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.