-- Advertisements --
Itinuring ng World Health Organization na pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 na naitala ay nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, umabot kasi sa kabuuang 183,000 na bagong kaso sa buong mundo ang naitala noong araw na iyon.
Isang hamon na tinitignan ngayon ng WHO ay ang malakihang paggawa at pag-distribute ng dexamethasone ang unang gamot na nagpakita na nagpapababa ng kaso ng pagkasawi dahil sa coronavirus.
Umabot na kasi sa mahigit 9 million ang kasong naitala sa buong mundo.