KALIBO, Aklan —- Umakyat na sa 11 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron variant sa United Kingdom (UK).
Ayon Bombo International Correspondent Geoffrey Hutchinson ng London, UK, anim ang na-detect mula sa Scotland habang lima sa England.
Dahil dito, ipinag-utos umano ni Prime Minister Boris Johnson ang pag-ban sa mga biyaherong mula sa infected countries o mga kasama sa red list.
Dagdag pa nito na muling ginawang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pamilihan at public transportation.
Obligado rin ang mga mamamayan na sumailalim sa sampung araw na isolation at magsagawa ng covid-19 testing.
Sinabi pa ni Hutchinson na ipinag-utos na nang pamahalaan ang pagturok ng booster shot, tatlong buwan mula sa pagiging fully vaccinated ng mga ito.
Aminado ito na marami pa sa mga residente ng UK ang hindi nabakunahan ng Covid 19 dahil sa kanilang iba’t-ibang opinyon.
Ngunit, mahigpit na itong ipapatupad ng pamahalaan bilang proteksyon sa bagong variant.