-- Advertisements --
Tuluyan ng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Africa.
Ito ang unang pagkakataon na bumaba ang bilang ng mga nasasawi at kaso ng COVID-19 mula ng madiskubre sa nasabing rehiyon ang Omicron coronavirus variant.
Ayon sa World Health Organization (WHO) African regional office na ang 56-araw na bago tuluyang bumaba ang kaso ay siyang pinakaikling araw na nataila.
Bumaba ng 20 percent ang kaso nitong nakaraang araw habang mayroong 8 percent lamang ang nasawi dahil sa COVID-19.
Nagbabala naman si Matshidiso Moeti, ang WHO regional director ng Africa na dapat huwag magkumpiyansa ang mga bansa dahil sa hindi pa tuluyang nawawala ang COVID-19.
Aabot pa lamang kasi sa 10 percent ng populasyon sa Africa ang fully vaccinated na.