-- Advertisements --

Mabilis ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Asya.

Itinuturing na nagtala ng all-time records ang Australia at Pilipinas habang ang India ay mayroong seven-month high nitong Enero 8.

Nagtala ang Australia ng 116,025 na kaso nitong Sabado na nahigitan ang dating record nito na 78,000 habang ang Pilipinas ay mahigiti 28,000 ang naitala na siyang pinakamataas sa loob ng dalawang araw.

Umabot naman sa 141,986 na bagong kaso rin ang naitala ng India sa loob rin ng isang araw.

Sumipa naman sa 8,480 ang naitalang kaso sa Japan mula ng tanggalin ang State of Emergency noong Setyembre.

Bumaba naman ang kasong naitala sa China kung saan mayroong 159 na kaso nitong Biyernes na mas mababa sa naitalang 174 noong nakaraang mga araw na karamihan ay mga 95 locally transmitted cases sa Henan at Shanxi province.