Muling naitala sa Australia partikular sa kanlurang bahagi ng Australia ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 na omicron variant kung saan naitala ang 75 nahahawa at dinadala sa pagamutan araw-araw.
Base sa surveillance data ng health department sa Australia pinapangambahan nila ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayong darating na holiday season na siyang nagdudulot rin ng takot sa bilang ng kanilang health workers kapag aniya lumala ang sitwasyon.
Kaya payo ng mga awtoridad palaging magsuot ng facemask sa matataong lugar at kung may sakit naman ay pinayuhan na manatili na lang sa inyong mga tahanan.
Hinihikayat rin ang publiko na mag ‘self-isolate’ kung makakaranas ng mga mild symptoms.
Ang mabilis na hawaan na nararanasan ng ibang mga Aussie o Australian mula sa Covid-19 ay bunsod umano ng paghina ng kanilang immune system.
Samantala, hinikaya’t rin ng health department ng Australia ang publiko na mag pa booster shot ang nasa edad 64-74 taon gulang ng kada 12-buwan kahit pa mayroon o ‘walang malubhang karamdaman.
Habang ang nasa edad 18-64 taon gulang naman na ‘walang nararamdamang malubhang karamdaman ay maaaring mag pabakuna kada 12-buwan.
Para sa edad 5-17 taon gulang na mayroong severe immunocompromise, ay maaring mag pabakuna rin kada 12-buwan.