-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapasalamat ngayon ang gobyerno ng bansang Australia sa pagbaba ng kaso ng corona virus o Covid 19 doon.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo La Union ni news correspondent Manuel Alegado, na tubo ng Rosales, Pangasinan at naninirahan ngayon sa Melbourne, Australia.

Ayon kay Alegado, ito ay marahil sa pagsunod ng mga tao doon sa hindi paglabas-labas.

Kasama rin naman ito sa nawalan ng trabaho noong nagkaroon ng lockdown sa nasabing bansa.

Gayunman, nakahanda ang pamahalaan ng nasabing bansa na umagapay sa nawalan ng mga walang trabaho sa pagbibigay ng ayuda sa kanila.

Sinabi pa nito na nasa mabuti naman kalagayan ang kapwa nito mga Pinoy.

Samantala, mahigpit pa rin ang paalala sa mga mamayan ang palaging pagsuot ng face mask at paggamit ng disinfectant.

Sa ngayon, halos normal na umano ang pamumuhay ng mga mamayan sa nasabing bansa kahit pa may banta dito ng nakamamatay na virus.