-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umakyat na sa 2, 998 ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Batay sa listahan, aabot na sa 198 ang aktibong kaso sa lunsod pagkatapos maitala ang 25 na bagong kaso kahapon.

Maliban diyan, naitala din ang 23 na bagong mga gumaling kahapon.

Dahil dito, aabot na sa 2,759 ang kabuoang bilang ng mga gumaling sa lunsod habang 41 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.

Samantala, nanatiling naka-lockdown ang ilang mga lugar sa Baguio City.

Kabilang dito ang Purok 3, Lopez Jaena; Bayan Park Village; Purok 4, Pinget; Purok 1, 2 at 3 ng Pinsao Proper; Purok 6, Kias; Purok 4 at East Gibraltar at Purok 7, New Site SLU SVP.