-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinangangambahang lalo pang tataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Baguio kasabay ng malamig na temperatura.

Ayon kay Baguio Health Services Office (HSO) chief Dr. Rowena Galpo, posibleng tataas ang kaso ng COVID-19 ngayong Oktubre hanggang Pebrero ng susunod na taon kung saan, karaniwang malamig ang panahon.

Dahil dito, pinayuhan ni Galpo ang mga mamamayan na magkaroon ng healthy lifestyle para sa mas malakas na resistensya.

Iminungkahi ng opisyal ang pagkain ng mga masusustansya, regular na ehersisyo, pag-iwas sa bisyo at iba pang bagay na makakatulong para makamit ang magandang kalusugan.

Batay sa listahan ng Department of Health, aabot na sa mahigit 1,700 ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City habang 21 ang nasawi dahil sa naturang virus.