-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naitala ang karagdagang 33 na positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Baguio kahapon, Nobyemre 5.

Batay sa report, mula sa mga panibagong kaso, 31 ang mula sa isinagawang contact tracing, isa ang symptomic habang ang isa ay isinailalim sa surgery.

Dahil dito, aabot na sa 2,336 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod at 1,622 ang mga gumaling pagkatapos maitala ang karagdagang 31 na recoveries kahapon.

Sa ngayon, 684 ang aktibong kaso habang nananatiling 30 ang bilang ng mga nasawi sa Baguio City dahil sa COVID-19.